Maghapon nag-iisip

para may maisulat

Mga oras ng pag iisip

May mga taong nang aabala

 

Mahirap talaga ang mag-isip

Magsusulat ka kahit saan, kahit kailan

SA journal, magazine, new's paper at iba pa

magsusulat para maka-scoop

 

Hindi niyo ba alam

May kanya kanyang buhay iyan

Marahil magtaka ka

Bakit ko naisusulat ito?

 

Marahil nga magtaka ka

Pero kung nais mo naman

Bakit hindi

Maraming bagay ang hindi maipaliwanag

 

Kung may manunulat

May mambabasa

Kung may pera ang tao

May pambibili na ng isusulat mo

 

Bakit ba ganito nag mundo

Punung-puno ng problema

Mahirap talaga ang buhay manunulat

Makasulat ka lang

May problema nang kaakibat

 

Mga problemang dumarating

Lalabanan hanggang ito’y maiwaksi

Mahirap talaga ang maging manunulat

Kailangang maging maingat

 

Kalian kaya maiwawaksi

Mga takot sa puso

Manunulat ay malayang makakapagsulat

Ng buong puso at walang takot.

  

Bakit kaya tayo nagkaroon ng pakiramdam?

Kung lagi naman tayong nasasaktan

Bakit pa tayo nagkakaroon ng pakiramdam

Kung hindi naman natin maramdaman na mahalin ng iba

 

Saying lang kung magmahal tayo

Na hindi ka minamahal

Pinagpipilitan mo ang sarili mo sa kanya

Kaya lang ayaw naman sa iyo ng tao

 

Minahal mo siya

Pero mahal ka ba niya?

Iyan ang problema kapag nagmahal ka

Siguro minahal ka niya kaya lang…

 

Minahal mo ba siya dahil mahal mo siya?

O minahal mo siya dahil wala lang?

Minahal mo siya dahil lagi kayong malapit o

Minahal mo siya dahil mayaman siya?

 

Siguro wala yan sa nabanggit ko

Pero para sa iba kailangan maging wais

Gusto nila dapat mayaman

Para maging mayaman agad sila

 

Pero karapat-dapat ka ba?

Sa pagmamahal niya

Isang taong mayaman at…

Isang dahilan lang yan

 

Pero kung tunay ang nararamadaman

Bakit hindi

Wag mo lang ipagpipilitan ang sarili mo

Dahil masasaktan ka lang.

By cristina ongwico