Tsinelas


Marahil magtaka ka

Bakit lagi mo siyang kasama

Kasama mo pati sa pag-alis

Kahit sa bahay magkasama kayo

 

Aba teka!

Ano ba siya sa buhay mo?
araw-araw na lang pasan ka niya

Sa kanyang maliliit na katawan

 

Bakit kapag aalis ka

Hindi ka pwedeng umalis

Kung wala siya

Kaibigan mo ba siya?

 

Hindi naman

Pero lagi siyang nandyan

Kasama mo kahit sa kwarto

Close ba kayo?

 

Sobra na!

Kahit simpleng lakad

Nandyan siya

Laging umaalalay

 

Hindi mo lang alam

Napapagod pala siya

Dahil nawawala rin siya sa ayos

Lalo na kung sobra na

 

Pero kahit ganun

Sinasamahan ka pa rin niya

Isang malapit sa buhay ng lahat

Isang ________.

 

By cristina ongwico