Mga araw na kaysaya

Pag kasama kita

Mga araw na nakakasabik

Pag alam kong kasama kita

 

Pero natatakot ako

Baka bukas ay mag-isa na lang ako

Na baka mawala ka

At haharap ako bukas na mag-isa na lamang

 

Sana’y wag mo akong iiwan

Ikaw na nagbigay sa akin ng tapang

At lakas upang harapin ang bukas

Bukas na siguradong masaya kapag nandyan ka

 

Pero paano kung wala ka na

Paano ako magsisimula kung wala ka na

Paano na ang pagsasamahan natin

Ang pagsasamahang walang katulad

 

Sana hindi na lang kita nakilala

Kung aalis ka rin

Sana di mo na lang ako tinanong

Kung mag-iisa rin pala ako

 

Ngunit, isang araw

Sinabi mo

Hinding-hindi mo ako iiwan

Kahit hindi ko pa ito sinasabi sa iyo

 

Anong saya ang aking naramdaman

Sa mga salitang naging daan

upang saya’y

Bumalik sa aking mga labi

 

Mula ngayon, bukas at kahit kailan

Lagi na tayong magkasama

Kahit anong pagsubok kakayanin

Dahil ikaw lamang ang nag-iisa sa puso ko

By cristina ongwico