Buhay ng isang tao

Pambihira!

Bakit ba may buhay na nasasayang

Buhay pa ng isang inosente

 

Marahil mapaisip ka

Kayraming nagaganap

Sa Luzon, Visayas at Mindanao

Araw-araw may breaking news

 

Bakit ganito?

Buhay na ipinahiram niya

Ninakaw pa ng iba

Bakit hindi na sila naawa?

 

Araw-araw

Nagtataka ako

Bakit kayraming musmos

Ag nasa kalye, namamalimos

 

Bakit sa araw-araw

Ang mga batang ito

Ay hindi man lang

Naranasan na magkaroon ng pamilya.

 

Sana, isang araw

Magising ako

Na wala nang ganitong sitwasyon

Tulad ng patayan at panlilimos ng mga bata

 

Sana nga

Magising ang lahat

Na mali ang kanilang ginagawa

Upang matigil na ang mga karahasan

 

Sa tulong mo

Marami ang maaaring mabago

Mababago ang pananaw nila

Pati na ang kanilang buhay

By cristina ongwico